Opening the Files That Matter

honest

unfiltered

Kuwestyonableng Resibo, Tampok sa VP Sara Trial.

Muling humarap sa matinding pagsusuri sa Senate Impeachment Court ang paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) matapos ilatag ng House prosecution panel, sa pamumuno ni…

Muling humarap sa matinding pagsusuri sa Senate Impeachment Court ang paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) matapos ilatag ng House prosecution panel, sa pamumuno ni private prosecutor Atty. Lorna Kapunan, ang mga kopya ng acknowledgement receipts (ARs) na isinumite ng OVP sa Commission on Audit–Intelligence and Confidential Funds Audit Office (COA-ICFAO).

Sa ginanap na pagdinig, ipinrisinta ng prosekusyon ang mga resibo na naglalaman ng mga kaduda-duda at kuwestyonableng pangalan ng mga diumano’y nakatanggap ng pondo mula sa ₱125-milyong confidential fund ng OVP. Kabilang sa mga pangalang lumabas sa dokumento ang kontrobersyal na si “Mary Grace Piattos”—na nakatanggap ng ₱70,000 para sa payment of rewards—pati na rin ang iba pang pangalan tulad nina “Renan Piattos,” “Nova Santos,” “Mico Harina,” “Janice Marie Revilla,” “Patty Ting,” “Andy Lim,” “Alejandro Pikit,” “Feonna Biong,” “Sisfrunio Balsac,” at “Gabriel Bisaya”.

Kinumpirma ni dating COA state auditor Roderick Wamil, na humarap bilang testigo, na ang mga nasabing resibo ay bahagi ng humigit-kumulang 845 acknowledgement receipts na isinumite ng OVP sa kanilang tanggapan para sa liquidation. Ayon kay Wamil, nag-isyu ang COA ng Notice of Suspension kaugnay ng mga pondong ito dahil sa kakulangan sa mga kinakailangang suportang dokumento at mga hindi pagtutugma sa petsa at halaga sa mga resibo.

Binigyang-diin ng prosekusyon na ang paggamit ng mga tila gawa-gawang pangalan at kwestyonableng resibo ay malinaw na indikasyon ng hindi wastong paggasta at manipulasyon sa pondo ng bayan. Sa pamamagitan ng paghahain ng 15 kahon ng mga ebidensya at libo-libong dokumento, patuloy na itinutulak ng House prosecutors ang pananagutan sa ilalim ng Article I ng impeachment complaint laban sa Pangalawang Pangulo.

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *