Opening the Files That Matter

honest

unfiltered

Anti-Disinformation Bill, Hindi Paghabol sa Media — Sandro Marcos.

Tiniyak ni House Majority Leader at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos noong Lunes na ang inaprubahang panukalang batas laban sa disimpormasyon sa Kamara ay hindi binuo upang pigilan ang kalayaan…

Tiniyak ni House Majority Leader at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos noong Lunes na ang inaprubahang panukalang batas laban sa disimpormasyon sa Kamara ay hindi binuo upang pigilan ang kalayaan sa pagpapahayag o patahimikin ang hanay ng media sa bansa.

Tinukoy ng mambabatas ang House Bill 9465, o ang itinutulak na Digital Media Anti-False Information Act, na naglalayong patawan ng mabigat na parusa ang sinumang mapapatunayang sadyang nagpapakalat ng maling impormasyon sa pampublikong espasyo at sa internet. Sa ilalim ng naturang bill, ang mga lalabag ay maaaring humarap sa parusang pagkabilanggo at multa na maaaring umabot sa hanggang ₱2 milyon.

Ayon kay Marcos, malinaw ang layunin ng panukalang batas: ang punyahin at panagutin ang mga indibidwal o grupong may malisyosong intensyon na magpakalat ng fake news na nagdudulot ng kaguluhan at maling kaalaman sa publiko. Iginiit niya na walang dapat ikatakot ang mga lehitimong mamamahayag at pahayagan sapagkat ang kanilang ginagawang pag-uulat na nakatuntong sa katotohanan at responsableng pamamahayag ay protektado ng batas.

Kasabay nito, binigyang-diin ng lider ng Kamara na ang patuloy na pagdami ng disimpormasyon sa mga digital platform ay isa nang seryosong banta sa pambansang seguridad at sa kamalayan ng mamamayan. Dahil dito, kinakailangan na aniya ng mas matibay na mekanismo upang maiwasan ang manipulasyon ng impormasyon sa cyberspace.

Sa kabila ng mga kasiguruhang ibinigay ng pamunuan ng Kamara, inaasahang patuloy na babantayan ng mga grupong pangkarapatan at iba’t ibang organisasyon ng media ang proseso at mga probisyon ng HB 9465 habang ito ay gumugulong sa Lehislatura upang matiyak na hindi ito magagamit sa panggigipit sa malayang pamamahayag at kritisismo sa gobyerno.

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *