
Pinatunayan ng isang 69-anyos na lola mula sa lalawigan ng Rizal na walang pinipiling edad ang pagkatuto at ang pag-abot sa mga pangarap sa buhay.
Kinilala ang inspirasyong si Lola Lolita Escal na patuloy na nagsusumikap ngayon sa kolehiyo upang makamit ang kaniyang matagal nang pangarap na maging isang ganap na mamamahayag o journalist.
Nagsimula ang panibagong kabanata ng kaniyang pag-aaral noong taong 2019 nang magdesisyon siyang mag-enroll sa programa ng Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education (DepEd). Sa pamamagitan ng kaniyang sipag at dedikasyon, matagumpay niyang natapos ang programa na nagbukas ng pinto para sa kaniyang pagpapatuloy sa kolehiyo.
Sa kasalukuyan, si Lola Lolita ay pormal nang berada bilang isang 3rd Year Bachelor of Arts in Journalism student sa University of Rizal System (URS) – Angono Campus. Kasabay ng mga kabataang mag-aaral, buong-puso niyang ginagampanan ang kaniyang mga tungkulin sa paaralan tulad ng pagpasok sa klase, paggawa ng mga proyekto, at pag-aaral para sa mga pagsusulit.
Umani ng malawak na paghanga at papuri mula sa netizens at sa kaniyang komunidad ang kwento ni Lola Lolita. Ang kaniyang kwento ay nagsisilbing buhay na patunay na ang edukasyon ay isang tuloy-tuloy na lakbayin at kailanman ay hindi huli ang lahat upang ituloy ang minsan nang naipagpalibang pangarap.


Leave a Reply