Opening the Files That Matter

โœ“ honest

โœ“ unfiltered

ยท

๐—”๐—น๐—ฒ๐˜… ๐—˜๐—ฎ๐—น๐—ฎ, ๐— ๐—ฎ๐˜† ๐—™๐—ถ๐—ฟ๐˜€๐˜-๐—ฅ๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฑ ๐—•๐˜†๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—–๐—ถ๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ ๐—ข๐—ฝ๐—ฒ๐—ป.

Nakatakdang makatapat ng 21-anyos na Pinay powerhouse ang mananalo sa pagitan nina World No. 68 Magda Linette ng Poland at World No. 77 Elena-Gabriela Ruse ng Romania. Ang salpukan ng…

Nakatakdang makatapat ng 21-anyos na Pinay powerhouse ang mananalo sa pagitan nina World No. 68 Magda Linette ng Poland at World No. 77 Elena-Gabriela Ruse ng Romania. Ang salpukan ng dalawang tennis stars ay nakatakdang ganapin ngayong Huwebes (oras sa Pilipinas).

Naging pamilyar na katunggali ni Eala si Linette kung saan patas ang kanilang record sa apat na paghaharap (2-2). Nagwagi si Eala sa dalawang huling laban nila ngayong 2026 season sa ASB Classic at Miami Open, bilang bawi sa dalawang pagkatalo niya noong nakaraang taon sa Abu Dhabi at Nottingham. Samantala, isang beses pa lamang nakatapat ni Eala si Ruse noong 2024 US Open qualifiers kung saan nagwagi ang Romanian player.

Nagmula si Eala sa isang makasaysayang tagumpay noong Agosto 3 matapos makuha ang kaniyang kauna-unahang WTA Tour title sa Mubadala DC Open nang pataubin niya si World No. 3 Jessica Pegula sa final match. Kasunod nito, nagtapos naman ang kaniyang kampanya sa Round of 16 ng Canadian Open.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na maglalaro si Eala sa Cincinnati Open matapos siyang mag-withdraw noong nakaraang taon dahil sa injury sa balikat. Kapag nagwagi sa second round, inaasahang makakatapat ni Eala ang 9th seed na si Amanda Anisimova sa third round ng torneo.

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *