
Convoy ni BARMM Chief Macacua, Pinagbabaril
Ligtas si BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua matapos ratratin ng mga armadong suspek ang kanyang convoy sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, noong Agosto 15, 2026. Tinamaan ng bala ang tatlong armored vehicles, ngunit walang nasaktan.
Basahin ang buong detalye sa comment section.
Ligtas at walang anumang pinsala sa katawan si Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) interim Chief Minister Abdulraof Macacua matapos ratratin ng hindi pa nakikilalang mga armado ang kanyang convoy sa kahabaan ng pambansang lansangan sa Barangay Bitu, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong Sabado ng hapon, Agosto 15, 2026.
Nangyari ang pag-ambush bandang 4:45 p.m. habang patungo ang convoy ni Macacua sa Cotabato City mula sa dinaluhang pangkalahatang pagtitipon ng Bangsamoro Federalist Party (BFP) sa Kabuntalan, kung saan pormal siyang pumasok sa partido at naihalal bilang chairman at presidente nito. Sapul ng mga bala ang tatlong armored vehicles sa convoy, kabilang ang bahagi ng driver’s side ng sasakyan ni Macacua, ngunit nagawa pa ring magpatuloy ng mga sasakyan hanggang sa marating ang Bangsamoro Government Center sa Cotabato City.
Bago ang pamamaril, naantala rin ng ilang oras ang pagpupulong ng BFP matapos suriin ng bomb experts ang mga hinalang improvised explosive devices (IEDs) sa tabing-daan ng Barangay Payan. Patuloy namang nag-iimbestiga ang mga awtoridad at security forces sa lugar upang matukoy ang pagkakakilanlan at motibo ng mga suspek.


Leave a Reply