
Pinaboran ng Impeachment Court ang hiling na suriin ang bank records, BIR records, at AMLC records ni Vice President Sara Duterte. Ayon sa hukuman, mahalaga ang mga ito upang matukoy kung may hindi maipaliwanag na pagyaman batay sa kanyang mga kinita sa panunungkulan.
Kasama rin sa papayagang suriin ang mga rekord ng kanyang asawa, si Manases Carpio, dahil bahagi rin ng kinakailangang isiwalat sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ang mga ari-arian ng mag-asawa.
Nilinaw rin ng hukuman na hindi ito isang “fishing expedition,” kundi isang lehitimong hakbang upang mabuo ang batayang ebidensya sa paglilitis.


Leave a Reply